Tuesday , March 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dead Road Accident

Papasok sa trabaho
3 kabataang sakada na angkas ng motor sumalpok sa bus, todas

PATAY ang magkakaibigang menor de edad na nagtatrabaho bilang sakada sa tubuhan nang sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang pampasaherong bus sa Hacienda Elenita, Barangay Burgos, Cadiz City, Negros Occidental, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Rolly, 17, Jay-r, 13, at Kim Jay, 17, pawang mga residente sa Barangay Burgos.

Sinabi ni P/ Lt. Daleen Grace Loreno, deputy chief ng Cadiz City Police Station, sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo nang mag-overshot at sumalpok sa bus na nasa kabilang linya patungo sa Cadiz City.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang mga biktima na agaran nilang ikinasawi.

Nabatid na ang mga biktima ay magkakapitbahay at patungo sana sa tubuhan kung saan sila nagtatrabaho bilang mga sakada.

Isa sa mga biktima ang nakatakdang magtapos sa elementarya.

Nagpaabot ang Vallacar Transit Inc., ng burial assistance sa pamilya ng mga biktima, ayon kay Loreno.

Magpupulong ang magkabilang panig ngayong Lunes, 30 Marso, para sa kasunduan.

Nakalaya na sa kustodiya ng pulisya ang 36-anyos bus driver. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Martin Romualdez Marty Romualdez

‘Selfie Diplomacy’
Congressman Romualdez at Councilor Marty, naghatid ng ‘Asikaso’ sa Leyte District Visit

TACLOBAN CITY — Hindi lang basta inspeksiyon ng mga proyekto ang naganap, kundi isang masayang …

Captain Hook

Bebot ninakawan ng halik, Captain Hook nakalawit sa Taguig

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang professional basketball player nang nakawan ng halik ang isang …

dead gun

5 pulis patay sa ambush

ni ALMAR DANGUILAN PATAY agad ang limang pulis habang tatlo ang sugatan matapos tambangan sa …

arrest, posas, fingerprints

Sugal pusta shabu, 7 kelot arestado

KULUNGAN ang bagsak ng pito katao na naaktohang nagsusugal gamit ang shabu bilang pustahan sa …

yosi Shabu

Sa Oplan Sita sa Nueva Ecija at Bataan
4 timbog sa pekeng yosi at droga

ARESTADO ang apat na indibiduwal sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad na isinagawa sa …