MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naiwasang maiyak ng Thai singer/ actress na si Net Kanda nang makita at makaharap ng personal ang idolong si Pinay Broadway star Lea Salonga.
Nag-post nga ito ng anim na larawan sa kanyang Instagram account na may caption na, “For once in my life. Maybe I’ve been waiting 14 years for this moment since | got the role of Kim. My heart is bursting with joy and tears. Thank you for all the journey that took us to see mom today.”
Ang pagkikita nina Net at Lea ay naganap sa sold out one night only concert ng huli sa One Bangkok Forum noong March 7.
Hindi nga matatawaran ang labis-labis na kasiyahan ni Net nang makasama ang kanyang idolo, dahil 14 years niyang hinintay na makita, makausap, at makaharap ang idolo.
Minsan na ring gumanap na Kim si Net noong 2012 nang i-stage ang Miss Saigon sa Thailand sa Muangthai Rachadalai Theatre sa Bangkokention, at si Lea ang naging inspirasyon nito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com