Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mama Emma Janna Chu Chu

Mama Emma, Jana Chu Chu wagi sa Dangal ng Pinas 2026!

MATABIL
ni John Fontanilla

PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal ng Pinas 2026 sa karangalang iginawad sa kanya bilang FM Female FM Radio Personality of the Year.

Post nito sa kanyang Facebook: “Lubos po akong nagpapasalamat Dangal ng Pinas sa pagkilala bilang Outstanding Female FM Radio Personality. Isang malaking karangalan ito para sa akin, lalo na’t ang tanging hangarin ko lang ay makapaghatid ng saya, at inspirasyon sa bawat tagapakinig araw-araw.

“Hindi ko ito makakamit kung wala ang suporta ng Barangay LS 97.1, mga kasamahan sa trabaho, at higit sa lahat, sa mga tagapakinig na patuloy na nakikinig at sumusuporta. Maraming salamat po sa tiwala at pagmamahal.

“Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa akin, kundi para sa lahat ng taong naging bahagi ng aking paglalakbay sa radyo. 🎙️”

Bukod kah Mama Emma, wagi rin ang kanyang partner na si Janna Chu Chu bilang Outstanding Media Personality and Entertainment Influencer Award at kanilang radio program na SongBook  na napakikinggan tuwing Sabado at Linggo, 6:00-9:00 a.m. bilang Outstanding Radio Program and Public Service Award.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …

Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …