NAARESTO ng mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station ang isang lalaki na nakalista bilang Top 10 Most Wanted Person (Municipal Level) sa isinagawang operasyon sa Brgy. Matictic, Norzagaray, Bulacan nitong Marso 13, 2026.
Batay sa ulat ni PLt.Colonel Ismael Conde Gauna, hepe ng Norzagaray MPS, kinilala ang naarestong akusado na isang 19 anyos na magsasaka at residente ng Riverside, Brgy. Matictic, Norzagaray, Bulacan.
Ang pag-aresto ay isinagawa ng tracker Team ng Norzagaray MPS sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1(d) ng Revised Penal Code na inamyendahan ng Republic Act No. 11648 na inilabas ni Judge Olivia V. Escubio-Samar, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 79, Malolos City, Bulacan, at may rekomendasyong No Bail.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Norzagaray MPS Custodial Facility ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.
Ang Bulacan Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL ANGEL L GARCILLANO, Provincial Director ay nananatiling nakatuon sa mandato na tugisin ang mga lumalabag sa batas at panatilihin ang kaligtasan ng bawat mamamayan. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com