Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero.

Sa pinag-uusapan ding video and photos nila ni Juliana Gomez, wala man lang yatang nagbigay ng paborableng komento.

Pinalalabas pa nilang oportunista ito dahil mukha raw sa Forbes na ito maninirahan if ever magkatuluyan sila ng dalaga nina Richard Gomez at Lucy Torres

Hindi rin nila inalis sa cager ang “dugyot” description at may ilan pang kahit ang pagiging graduate rin nito sa UP Diliman ay nakuwestiyon pa.

Ang video-photos na pinag-uusapan ay nakunan ng ilang netizen kaugnay ng Lubao International Balloon and Music Festival sa Pampanga kamakailan.

Kasama pa nila si Maja Salvador na ipinagpapalagay ng marami na either nakatabi lang daw nila o sadyang may konek bilang may artist management ang aktres.

Anyway, mapapanood sa naturang video na very sweet ang dalawa na magka-holding hands habang nakatayo si Maja at tila nag-eenjoy sa music ng Parokya ni Edgar.

May nagkomento pa na tila kiniss pa raw ni Ricci ang dalaga nina Cong. Richard at Mayor Lucy.

Nakakaloka, pero FYI lang sa mga basher noh, mayroon din namang “kakayahan” si Ricci sa buhay. May matagumpay na negosyo naman sila ng pamilya niya. Hindi naman ito pobre o basta nagtapos lang sa kung saan dahil may ‘utak’ din naman ito.

Bakit ba kayo nangingialam sa buhay pag-ibig nila? They are of age to decipher their emotions and mental state noh hahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Jillian Ward Sparkle GMA

Jillian muling pumirma ng kontrata sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales SA renewal ng kontrata ni Jillian Ward sa Sparkle GMA Artist Center ay natanong ang …

Ahtisa Manalo Sparkle GMA

Ahtisa Manalo dream leading man si Alden Richards

RATED Rni Rommel Gonzales BAGONG talent ng Sparkle GMA Artist Center ang beauty queen na si Ahtisa Manalo. …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …