Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang sa maling anggulo ng picture, mabilis ding nag-deny si Janine Gutierrez nang siya ang latest na biktima nito.

Fake news,” ang naging sagot niya sa pinag-usapang post ng isang netizen saying, “sabi sa balita buntis daw si Ate Janine? Pero ‘di naman siya mukhang buntis dito,” kalakip ang latest photo ng aktres.

Ang pinag-usapang litrato na na-i-post ni Janine noong March 9 sa kanyang IG account ay ang pagdalo niya sa kasal ng isang close friend na sa suot ang ‘blue halter dress’ na tila “tumaba” nga ito.

Sa comment section ng naturang thread, ipinagtanggol ng marami ang tila pag-gain ng weight ni Janine, taliwas sa mga nakalipas niyang pictorial at photo shoots na napaka-seksi nito.

Simula nang maging girlfriend siya ng magaling na aktor na si Jericho Rosales, hindi na rin nawala ang mga tsismis na ‘nabuntis’ siya nito. Pero ang mga ito’y pawang tsismis lamang lalo’t sa estado ng kanilang relasyon ay tanggap na tanggap ang aktor sa pamilya ni Janine at nangako itong hindi mangyayari ang “buntisan” ng hindi muna nagpapakasal.

Meanwhile, kasalukuyan ngayong abala si Janine sa shooting ng bago niyang series sa Netflix, ang Balaraw kasama si Charlie Dizon. Kapwa ipinagmamalaki ng dalawang Best Actress winners ang role nilang may “sapphic relationship,” (sexual attraction/relationship between women) na naka-encounter ang ilang super natural forces. 

Isa itong horror-thriller series na mapapanood ngayong September sa Netflix.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Jillian Ward Sparkle GMA

Jillian muling pumirma ng kontrata sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales SA renewal ng kontrata ni Jillian Ward sa Sparkle GMA Artist Center ay natanong ang …

Ahtisa Manalo Sparkle GMA

Ahtisa Manalo dream leading man si Alden Richards

RATED Rni Rommel Gonzales BAGONG talent ng Sparkle GMA Artist Center ang beauty queen na si Ahtisa Manalo. …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …