MATABIL
ni John Fontanilla
PAGKARAAN ng matagumpay na pagpapalabas ng pelikulang Aking Mga Anak ay may bagong handog muli si Direk Jun Miguel, na pang-Holy Week, ang Ang Mga Bagong Munting Misyon na mapapanood sa mga piling sinehan sa March 28,2026.
Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang multi-awarded director na si Direk Jun, na kilala bilang “The Father of Filipino Family and Children’s Stories,” sa patuloy na tiwala at suporta ng publiko sa kanyang mga proyekto sa telebisyon, pelikula, at digital media.
Sa loob ng maraming taon, nakilala si direk Jun sa paggawa ng values-oriented at family-friendly na mga palabas at pelikula na nagbibigay-inspirasyon sa mga kabataan at pamilya.
Isa siya sa nasa likod ng multi-awarded children’s show na Talents Academy na pinarangalan ng Anak TV Seal, NCCT, at PMPC Star Awards for Television.
At ngayon, muling maghahandog si direk Jun ng isang makabuluhang pelikula para sa buong pamilya ngayong Holy Week, ang Ang Mga Bagong Munting Misyon.
Tampok sa pelikula sina Miles Poblete, Jervy Patani at ang mga promising star na sina Jace Fierre, Madisen Go, Candice Ayesha, Celestine Simeon, Shiloh Isaiah Haresco, Jessica Robinson, Lamesse Hana Rose Trompeta Khoder, Kaye Go, Hazie Peralta, Althea Mae Guelos, Anika Figueroa, Cara Bartolo, Yzabelle Perez, Jewel Manalo, Aljur Allan Perez, Kyrie Ramos, Tobby Leonard Rodriguez, Ellie Caspin, Miguel Yohann Garcia, Andrea Go, Andrea Tallafer Agaton, atFleur Zara.
Ayon pa kay direk Jun, layunin ng pelikula na ipaalala sa kabataan at pamilya ang kahalagahan ng pananampalataya, kabutihan, at pagtulong sa kapwa, lalo na sa panahon ng Holy Week.
Bukod sa pelikula, abangan din ang kanyang bagong educational program na Lakbay Kaalaman na magbibigay ng makabuluhang aral tungkol sa kultura, kasaysayan, at kaalaman para sa kabataan.
Patuloy na ipinakikita ni Direk Jun ang kanyang misyon na gumawa ng pelikula at programa na hindi lamang nagbibigay aliw kundi nagtuturo rin ng mabuting asal at pagpapahalaga sa pamilya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com