Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABIL
ni John Fontanilla

IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang pagpo-produce ng concert mula sa kanyang bagong tatag na B&B House of Talent and Events Management Corporation kasama ang kanyang bestfriend na isa ring negosyante, Raoul Barbosa kung paano nga ba nabuo ang pagsama-samang muli ng mga legend at icon ng 70’s, 80’s, at 90’s sa sayawan.

Ang pagsasama-samang muli ng mga icon at legend ay mapapanood sa Disco Forever D4E!  sa March 21, 2026 sa The Theater at Solaire.

Kuwento ni Madam Cecille sa nakalipas na presscon ng D4E!, “Actually I just love to dance, siguro nga ‘yung family namin kaunting music lang umiindak-indak na.

“So when we talked to tita (MilesObra), sabi niya, ‘you know I was with my friends, ‘yung mga dati kong kasama,’ as she was telling us awhile ago.

“Sabi niya nag-enjoy kami nagsayaw ganyan. So sabi ko, ‘tita why don’t we, you, like you said na magmi-meet, but insted of just having fun, let’s make it into a show. Kaya ito nag-materialize.”

Dagdag pa ng matagumpay na negosyante, “Ang vision pa nga sana namin noon sa bar, kaya lang kung sa bar and then you will be drinking, para siyempre ‘pag nakainom na tayo ‘pag gumalaw-galaw ka lang, feeling mo ang galing mo nang sumayaw.

“So hindi pa nangyari ‘yun ang sabi namin. Mas malaki naman ang audience natin ngayon and hoping na rito nga ma-encourage namin kayo at ang iba pang manonood to dance with them.

“Pero nandoroon ako not as a dancer, siguro ‘pag magkakaroon kami ng anchor (repeat) dyan ako sasayaw.

Kaya kinakailangan may second tayo (part 2 ng concert). ‘Yan ang gusto nating mangyari.

“Siyempre with your help (press) siyempre pag-uusapan ito dahil naman they really put their heart into it. Bow ako sa kanila, saludo ako.

“And at the same time ‘yung mga kasama ko sa B&B all the staff, imagine makikita ko pa kayo, dati sa mga iba tayo nagmi-meet ‘di ba. I love it na, ngayon pa, thank you na tutulungan niyo kami, susuportahan niyo kami. Because it is something very close to our heart, kaya nga sabi, bakit? Hindi ako dancer pero siguro I want to be a dancer.

“So siguro makikita niyo ako sa stage kapag mayroon kaming anchor, kaya kailangan i-push natin ‘yun.

“Kasi alam ko lahat ng ito nag-prepare, they wanted to give their best.

” And so, you’ll be seeing the best of what we can give and it is made with love. ‘Yun lang ang maipapangako ko sa inyo, for you all to enjoy.

“At ‘yun nga parang ganito ‘yan eh. ‘Yung mga dati na ka-edad namin na hindi na ganoon kabata, ‘di ba ang sarap i-relive ‘yung mga moment na mga ganoon. Na ibi-vision mo ulit na bata ka and you still do it, and you can still do it.

“Sama niyo ‘yung mga pamangkin niyo, let them see kung ano tayo noon. 

“Kasi siyempre nakikita na lang natin ngayon ‘yung ginagawa nila sa Tiktok eh. Noon walang Tiktok pero kilalang-kilala ang mga dance craze, kilalang-kilala ang mga legend, ang mga icon, so why not buhayin natin ulit ‘yan.”

Hahataw sa D4E! sina Ms. Miles Obra (Miles & The Pacesetters), Ms. Geleen Eugenio, The Aldeguer Sisters, Yvonne Salcedo, Pia MoranSwing Duos, Vicor Crowd, Vicor Dancers, Dyna Dancers, Dyna Company D, Alpha Colours, A&W Dancers, Octo Arts Dancers, Octo Mechanix, Magic Movement, Beat Culture, Knapsax, Miles and The Pacesetters, Black Gold Dancers, WEA Dancers, WEA Ral’s, BMG Dancers, Turbo Gang, Power X People, Black and White, Singles, Urban Dance Crew, Viva All Male, Big Brothers, Manoeuvres, Hotlegs, VIP, and Axis PH. 

May Special participation sina Ima Castro, The Boyfriends, Tess D. Smith ( The Soul of Tina Turner of Europe), Janah Zaplan, Klinton Start, Bravo’s Angels, at Sephy Francisco. 

Kaya naman sabay- sabay nating panoorin sa March 21, 2026, 8:00 p.m. sa The Theater at Solaire, hatid ng B&B House of Talents and Events Management Corporation at Intele Builders and Development Corporation, PCSO, SB Clinic, at ni Ms Lynn Bautista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …

Ron Angeles

Ron Angeles bukod tanging tahimik kaugnay ng ‘eskandalo’ 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD tanging si Ron Angeles na lang among the “big four” na nasangkot …

Arron Villaflor

Arron Villaflor nagsalita ukol sa leaked video, nagpakalat kakasuhan

HARD TALKni Pilar Mateo NAGSALITA na sa kanyang Instagram account ang aktor na si Arron Villaflor hinggil sa sinasabing  …

V Mapa Batch 86 40th yr

V Mapa Batch ‘86 40th yr gaganapin sa March 28!  

MATABILni John Fontanilla ISANG bonggang selebrasyon ang magaganap sa March 28, 1:00 to 6:00 p.m. …

Paulo Avelino Nadine Lustre

Paulo at Nadine magtatambal sa isang malaking proyekto 

MATABILni John Fontanilla AFTER Alden Richards ang Kapamilya actor namang si Paulo Avelino ang makakasama ni Nadine Lustre sa isang malaking …