PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
BUKOD tanging si Ron Angeles na lang among the “big four” na nasangkot sa scandal ang hinihintay ng marami na maglabas ng kanyang opisyal na pahayag kaugnay ng eskandalong ‘sex videos.’
After kasi niyang mag-post sa socmed account ng, “relax lang kayo,” sumabog at pagpiyestahan ang kanilang sex videos sa online at alter world, wala nang narinig sa kanya.
Si Gil Cuerva ang unang naglabas ng official statement na sinundan ng madamdamin namang interview kay Nikko Natividad ni katotong Ogie Diaz. Kapwa may pag-amin sa naging kuwento nila na sila’y may mga pribadong sex encounter na hindi dapat lumabas sa publiko.
Ang latest ngang naglabas ng kanyang opisyal na pahayag si Tarlac Board Member Arron Villaflor.
Gaya ng inilabas na statement ni Gil, binigyang-diin nga din ni Arron ang usapin sa camcording at paglabas nito ng wala siyang kaalaman at pahintulot.
Kung dati ay sinasabi lang ni Arron na posibleng mga snippet o pinagtagpi-tagping mga eksena niya sa ilang VMX movies na kanyang ginawa ang sinasabing eskandalo, ngayon ay tila may pag-amin na nga siyang “pribadong sex encounter” ang kayang ginawa.
Naloloka nga lang ang maraming netizen na patuloy na nakakapanood ng sex video dahil hindi lang isang babae ang kaniig umano ni Arron kundi dalawa.
Kung paano nila masasawata, mapipigilan o mapapahinto ang lalong pagkalat nito, ‘yun ang isang isyu na mukhang mahihirapan silang malutas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com