PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers para sa GMA 7, mula sa mga pageant enthusiasts and community. Si Ahtisa ang kasalukuyang third runner-up Miss Universe winner na papasok sa showbiz.
Isa nga si Ahtisa sa mga kilalang beauty queen ng bansa dahil nasalihan na nito ang halos lahat ng major beauty contests, local man o international.
Sa halos isang dekada na nitong pagiging kontesera, naka-develop na nga ito ng malaking following na lagi siyang ipinaglalaban at sinusubaybayan.
Ayon kay GMA 7 top executive Atty. Annette Gozon, nakatakdang gumawa ng movie sa GMA Films at TV series si Athisa.
Sa panig naman ni Ahtisa, umaasa siyang makatytulong ang mga naging experience niya sa buhay para matawag ding “artist” at hindi basta celebrity lang.
Welcome Kapuso Ahtisa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com