MATABIL
ni John Fontanilla
MUKHANG hindi type ni PBB Collab 2.0 Big Winner Caprice Cayetano ang ipinapareha sa kanya ng mga netizen, si Heath Jornales, kung pagbabasehan ang mga sagot nito sa mga tanong ni Boy Abunda nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.
Nang matanong ni Kuya Boy kung sino ang pinaka-pogi sa kanya, si Andres Muhlach ang sinagot ng batang aktres na may halong kilig.
Nang tanungin ulit ito ni Kuya Boy sa kung sino naman ang pinaka-pogi sa mga kasama nito sa Bahay ni Kuya ay paulit-ulit nitong sinagot na si Kuya ang pinaka-guwapo sa kanya.
At inamin din nito na hindi siya nagkagusto kay Heath habang nasa loob ng Bahay ni Kuya at friend lang ang turing niya rito.
Hindi pa nga ito handang paligaw at mas gustong mag-focus sa kanyang career at i-enjoy ang kanyang teenage life.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com