Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N.

Grabe kasi ang mga naging bashing nito sa anak ni Karla na si Lella Ford, Kapamilya housemate na itinanghal na PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Big Winner kasama ang Kapuso housemate na si Caprice Cayetano.

Ayon sa post ng isang KACCH4N, “Lella remember Emman, sana gawin mo rin pls? Naway ma depress sa mga comment at sundan niya si Emman. Di mo gets? Sana gets mo na.”

Bilang isang ina, hindi ito nais na palampasin basta na lang ni Karla lalo’t tila nag-uudyok itong gayahin ng anak ang nangyari sa yumaong anak ni kuya Kim Atienza.

Ganito na ka sira ulo ang taong ito sa pinag sasabi nya. At dahil dyan hindi ko ito palalagpasin dahil hindi na ito katanggap tanggap. Hintayin mo ang balik sayo nitong pakiusap mo sa anak ko. sira ulo ka.Wala nang hindi matutunton ngayon KACCH4N. Nasasanay kayo na mag bash lang ng di nyo iniisip naka tiwangwang mga profile nyo kasama mga  anak, mga magulang at pamilya nyo,” ganting sagot ni Karla.

As of this writing, kinonsulta na ni Karla ang kanilang mga abogado para sampolan ng tamang legal na kaso ang naturang basher.

Go Karla. Kasama at nakasuporta kami sa ganyang aksiyon na nais mong gawin. Dapat masampolan ang mga ganyang klaseng tao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Music Travel Love

Music Travel Love inihayag Philippine Tour sa Hunyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KINIKILALA ngayon bilang pinakamahusay at powerful social media presence ang Canadian …

Innervoices

Innervoices band pahinga muna

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG may simula, may katapusan. O pahinga muna ba uli o …

Orange and Lemons Jos Garci

Jos Garcia may collab sa Orange & Lemons

MATABILni John Fontanilla NASA Pilipinas ngayon si Jos Garcia, after tapusin ang mga commitment sa Japan. …

OneKo Onemig Bondoc Aiko Melendez

Daddy ni Onemig boto kay Aiko: siya lang ang kinausap

MATABILni John Fontanilla HINDI gagawa ng teleserye o pelikula na magkasama sina Onemig Bondoc at District 5 …

Odette Khan

Pamilya ni Odette Khan nanawagan ng tulong

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMIHINGI ng tulong ang pamilya ng premyadong aktres na si Odette Khan na …