ni Allan Sancon
HININGAN ng reaksiyon ni MJ Felipe ng TV Patrol si Sam Milby sa panayam sa ex-fiancee niyang si Catriona Gray sa YouTube channel ni Karen Davila na inaming hindi pa handa ang aktor magpakasal kaya sila nagkahiwalay.
Nabanggit din kasi ni Catriona na labis siyang nasaktan sa hiwalayan nila ni Sam dahil buong akala niya ay si Sam na ang lalaking makakasama niya habambuhay.
“My reaction is just I just wanna keep ‘yung sa amin ni Cat, private. I just don’t want to comment. That’s it,” maikling sagot ni Sam na halatang ayaw nang pag-usapan pa ang tungkol sa kanila ni Catriona.
Naitanong din kay Sam kung may idine-date ba siya ngayon?
“Nope, I’m not. Not seeing anybody,” pagtanggi ni Sam.
Dahilan ba ang kawalan niya ng oras kung bakit hindi siya nakikipag-date ngayon?
“Hindi sa walang oras, I do. I haven’t met anybody. I don’t go out that much.”
Ikinuwento pa ni Sam na masaya siya ngayon kapag nasa bahay lang bilang tito ng kanyang mga pamangkin tulad nitong nakaraang Valentine’s Day na kasama niya ang mga anak ng kanyang kapatid.
Nagbigay din ng update si Sam tungkol sa kanyang sakit na diabetes.
“End of last year was not too great, my blood sugar was struggling. But good news is that this year, it was a little bit better. I’ve been more active also.
“@@I’m back in the gym two to three times a week. I did start insulin, kasi because of my situation, hindi ako type 2 (diabetes), I’m type 1.5. Just for emergencies, I’ve taken it a few times. But it’s not a daily thing, but luckily my blood sugar has been, the last two weeks were on the right track,” say ng aktor.
Bahagi si Sam ng bagong teleseryeng mapapanood sa Primetime ng Kapamilya, ang The Alibi: Ang Buong Katotohanan handog ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN Entertainment na idinirehe nina Jojo Saguin, Onat Diaz, at FM Reyes.
Makakasama ni Sam sina Kim Chiu, Paulo Avelino John Arcilla, Zsa Zsa Padilla, Rafael Rosell, Robbie Jaworski, at Angelina Cruz, Thou Reyes, PJ Endrinal, Kim Tobiano, at Sofia Andres.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com