Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasser Marta Robb Guinto Louie Ignacio Desperada

Robb Guinto piniga ni Direk Louie Ignacio sa acting sa pelikulang “Desperada”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAABANG-ABANG ang pelikulang “Desperada” na pinagbibidahan ng sexy actress na si Robb Guinto.

Mula sa pamamahala ng award-winning director na si Louie Ignacio at produced ng LDG Production nina Lito de Guzman at Daniela Carolino, itinuturing ito ni Robb bilang isang art film.

Ayon sa magandang aktres, “Para sa akin po, ang movie ni direk Louie, it’s really an art. Bawat frame ay napakaganda po at ipinapakita rin dito ang reality ng bansa natin, it’s very raw.”

Wika pa ni Robb, “Ang role ko po rito ay si Brenda, isang babaeng lumaki sa pang-aabuso at pinilit na ibenta ng sariling ama hanggang sa nawala sa sarili.”

Ano ang tema ng movie? Nagpa-sexy ba siya rito?

“Drama po ang movie… Yes po, nagpa-sexy ako sa pelikulang Desperada,” matipid na tugon ng aktres.

Sa sinehan ba ito ipalalabas o sa Viva apps?

“Yes, sa sinehan po siya ipalalabas at sa Viva apps. Bale, mayroon silang magkaibang version.”

Inusisa rin namin siya kung ano ang kaibahan ng movie na ito sa mga nagawa na niya before.

“Siguro, dahil ito ay ilalaban sa ibang bansa at siyempre ay new collaboration for me ng mga artista. Ang ibang mga artista na taga-ibang network po.”

Aminado rin ang aktres na isa ito sa pinaka-challenging na role na nagampanan niya.

Aniya, “Yes sobra po akong na-challenge rito, lalo na kapag umoorder si direk ng luha, hahaha! Mapapanood ninyo iyan sa trailer, sa last part.”

First time ba niyang naka-work si direk Louie?

“Hindi po, nakasama ko na siya before sa isang VMX movie na Paupahan. At sobrang pasalamat ako kay direk dito sa movie na to dahil talagang pinilit niyang palabasin ang mga hindi ko inaakalang kaya ko pang ibigay para sa movie na ito.”

Ayon pa sa aktres, ibang Robb Guinto ang mapapanood sa pelikulang ito.

“Yes po, hindi si Robb Guinto ang makikita po ng mga manonood, kundi  si Brenda,” deklara niya.

“Pinaghandaan ko talaga ang role, talagang inaral kong mabuti ‘yung role at isinabuhay ko po ang pagkatao ni Brenda. Na para bang nangyari talaga sa akin iyon at kailangan kong gumawa ng back story ng character ko,” esplika pa ni Robb.

Bukod kay Robb, tampok din sa pelikulang Desperada sina Yas Marta at Mhack Morales.

Makikita rin dito ang brilliant support from indie actress na sina Sue Prado, Marife Necesito, at Mercedes Cabral. Plus, ang newcomers na sina Julianne Richards at Jorge Guda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Jasmine Curtis Smith

Jasmine inamin OA reaksiyon kina Mogato at Lingao

MA at PAni Rommel Placente MATAPOS benggahin si Cong. Bong Suntay ay pinasaringan naman ni Jasmine Curtis -Smith ang …

Sofia Trazona

Sofia Trazona pinatulan komento ng step dad kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente MATAPOS makisawsaw ni Alvin Aragon sa isyu ni Quezon City Representative Bong Suntay sa …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Coco at Julia may bagong serye

MATABILni John Fontanilla MAY bagong serye si Coco Martin na alay sa kanyang mga loyal supporter, ang Sigabo dahil …

Heart Evangelista Heart World

Heart patuloy pagtulong sa mga batang may sakit sa dugo, mga aso at pusa

I-FLEXni Jun Nardo IPINAKITA sa pilot episode ng season 2 ng Heart World last Saturday ang magkaibang …

Jasmine Curtis Smith Topacio

Jasmine ‘di nagpatinag kay Topacio: Dugyot ka! 

I-FLEXni Jun Nardo HINDI tinanggap ni Anne Curtis ang apology ni Cong Bong Suntay. Mas acceptable sa aktres ang …