Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Molina Jerald Napoles RC Delos Reyes

Jerald may ‘di magandang karanasan sa isang TV show

MATABIL
ni John Fontanilla

UNFORGETABLE para kay Jerald Napoles ang experience sa isang TV Show noong bago-bago pa lang  siya sa showbiz.

Tsika ni Jerald, “Noong nagsisimula pa lang ako may isang tv show na kinuha ako sa pamamagitan ng isang agent. ‘Ito ‘yung gagawin, ito ‘yung karakter, so pumunta ako.

“Nightmare siya sa akin, kasi lagi ko siyang ikinukwento kasi nadala ako.

“Pumunta ako sa call time. Pagdating ko sumakay kami ng jeep papuntang Nasugbu, Batangas.

“Doon ako kukunan sa isang eksena ko, isang eksena lang naman. Pagdating ko roon naghintay ako sa unit na ‘yun. Tapos ang sabi ng production doon ako sa kabilang unit. 

“So, nag- tricycle ako papunta sa kabilang unit.

“Tapos sinabi lang sa akin ‘yung address doon sa kabilang unit at pumunta na ako. Pagdating ko sa address na ‘yun sabi ko sa production, ‘ako po ‘yung ganito, eto po ‘yung role ko.

“Sabi nila, ‘O, sige , basta roon ka lang.

“Mga 12 ng tanghali that time, tapos tumambay muna ako at kung ano-ano ginawa ko para malibang. Then nakatulog ako, nagising ako 3 ng madaling araw. Pack-up na, nag-uwian na.

“Walang nagsabi sa akin na, ‘pack-up ka na.’ Walang nagsabi na hindi ka na kukunan.

“Ang natitirang pera ko noon P250. Hindi ko sure kung makakauwi pa ako from Nasugbu to Manila.

” So natatakot na ako, ano bang gagawin ko? Tapos ‘yung pinag-syutingan pa namin eh parang missing village.

“Desidido na ako na makikituloy na muna ako kung sino man ang nandoon. Sabihin ko na lang ‘ika ko, pwede po bang makitulog dito. Tapos bukas po ako uuwi, magpapasama ako kung saan sasakay, ganoon.

“Buti na lang may pa-pull out na van tapos kinatok ko, sinabi ko ‘hindi po ako nakunan.’

“Sinabi sa akin noong nasa van na staff na, ‘hindi bukas ka kukunan.’ Sabi nila mag-stay ka na rito.

“Pero hindi ko alam kung saan ako mag-stay. Sabi lang sa akin, ‘mag-tricycle ka papunta sa hotel.’

Pagdating ko sa hotel, wala naman akong kwarto. So, ginawa nila, siguro naging aware sila na ‘kanina pa ito ah.’

“Ginawa nila pinag-check-in ako sa kabilang cottage na resort. Nakunan naman ako kinabukasan ng 5 ng hapon,” mahabang kuwento ni Jerald.

At kahit nga ‘di maganda ang naranasan nito sa isang tv production ay hindi nagtanim ng galit si Jerald.

Hindi na eh. Kasi para sa akin, ayaw ko magtanim ng galit.

“Hindi na siya parte ng ginagalawan ko ngayon, eh kumbaga iba na ‘yung pakikitungo.

“But, ang bawi ko na lang lagi, ‘pag nasa production ako, ang trato ko sa lahat ay pare-pareho.”

Anyway, sa February 25 na ipalalabas sa mga sinehan ang pelikulang pinagsasamahan nila ng kanyang soon to be wife na si Kim Molina, ang Pinoy Adaptation na Korean hit movie na Wonderful Nightmaresa direksiyon ni RC delos Reyes, hatid ng Viva Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Jojo Mendrez Ronald Carballo

Jojo Mendrez ipinatitigil pagpapalabas ng interview niya kay Direk Ronald Carballo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAY nagtsika sa amin na sa naging guesting pala ni …

Rain Gibbz

Concert ni Rain Gibbz matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang Birthday Concert ng singer na si Rain Gibbz, ang Saranghae: Rain Gibbz …

Nadine Lustre

Nadine hinangaan magandang hubog ng katawan

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media si Nadine Lustre habang nakasuot ng classic lace string bikini …

Jasmine Curtis Smith

Jasmine inamin OA reaksiyon kina Mogato at Lingao

MA at PAni Rommel Placente MATAPOS benggahin si Cong. Bong Suntay ay pinasaringan naman ni Jasmine Curtis -Smith ang …

Sofia Trazona

Sofia Trazona pinatulan komento ng step dad kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente MATAPOS makisawsaw ni Alvin Aragon sa isyu ni Quezon City Representative Bong Suntay sa …