I-FLEX
ni Jun Nardo
NOMINATED na naman for eviction sa PBB Collab 2.0 ang Kapuso artist na si Heath Hornales.
Pang-apat na nomination na ito ni Heath. Luckily, lagi siyang ligtas. In fact, mataas ang percentage ng votes niya, huh!
Sa isang social media post ng PBB, ipinarating ni Heath ang pasasalamat sa kanyang supporters. At muli, humingi siya ng suporta para mailigtas sa fourth nomination niya.
Totally new sa showbiz si Heath nang mapiling isa sa teen housemates. Eh dahil sa kakisigan at talents sa singing, dancing and action routines, aba, umingay ang pangalan niya at lalong nagmarka ang pangalan nang mabuo sa Bahay ni Kuya ang loveteam nila ni Caprice Cayetano o Cap-Heath, huh!
Eh dahil may chemistry ang dalawa, isang award winning composer ang ginawan sila ng kanta.
Kaya iligtas muli si Heath!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com