Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anne Curtis Jericho Rosales

Insidente sa ‘walwal’ days ni Anne naungkat sa pagbibida sa pelikula

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KALAKARAN na talaga sa showbiz na kapag may Ipinu-promote na project ang isang artista, kahit lumang-lumang kontrobersiya ay ibabalik at gagamitin para lang may mapag-usapan.

Ang latest celebrity na “nagpagamit” sa isyung iyan ay si Anne Curtis. Dahil nga sa nalalapit na showing ng balik-tambalan movie nila ni Jericho Rosales, talagang sinasagot ni Anne ang noon pa ma’y ibinaon na niyang eskandalo.

At dahil need itong i-update sa generation ngayon ng moviegoers, kailangan may ayusin sa kuwento.

This time ay sinasabi na ni Anne na inako na lang niya ang iconic lines na, “I can buy you, your friends and this place” dahil kumbaga, sa kanya nga umano ‘yun nagmula.

Never umano niya ‘yun sinabi pero nang dahil sa kanya na-associate, sige na lang, “akin na,” sey pa nito.

Taong 2013 pa ‘yun nangyari at kasagsagan ng sinasabing “walwal days” ni Anne. Isang insidenteng kinasangkutan nina Phoemela Barranda, John Lloyd Cruz at ilan pang common friends nila sa isang bar sa Makati.

May mga report noon kasama na ang mga kuwentong unverified na marami ang nakarinig na totoong sinabi ‘yun ni Anne. This time, kahit si Phoemela ay nagsasabing walang ganoong insidente much more, mga linyahan.

Hmmm, sige na nga. Basta may mapag-usapan lang at magamit sa promo. Sana nga ay makatulong ito sa pagkakaroon ng interes ng mga manonood.

For all we know baka nga maging series pa iyan once na magka-project uli si Lloydie o si Phoemela dahil sila naman itong may sariling version ng kuwento.

Showbiz hay!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Bravo Advocacy Awards Cecille Bravo

Bravo Advocacy Awards ni Cecille Bravo inilunsad 

MATABILni John Fontanilla INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Jerald Napoles Kim Molina

Kim, Jerald ikinasal sa Bohol

IKINASAL na noong Marso 1, 2026 sina Jerald Napoles at Kim Molina sa Amorita Resort, Panglao, Bohol. Star studded …

Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABILni John Fontanilla WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian sinuportahan laban ni Eman

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga kay Jillian Ward nang suportahan nito ang laban ni Eman Bacosa Pacquiaonoong Sabado …