Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali

Bianca tsinugi bibida sa bagong serye

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAGING pasabog para sa mga tagasubaybay ng Sang’gre ang mga latest ganap sa series.

Talaga namang marami ang nagulat sa mga ganap sa mundo ng Encantadia. Matapos ang matapang na pagtanggi ni Terra (Bianca Umali) sa tukso ni Gargan (Tom Rodriguez), tuluyan nang binawian ng buhay si Terra. 

Sey ng mga netizen sa mga naganap na laban “The best fighting scene and death scene ‘Encantadia Chronicles’ has ever made”. 

Dagdag pa ng isang tutok din sa serye, “Gaya ni Sang’gre Amihan bago siya mamatay, inialay niya ang kanyang buhay para sa buong Encantadia. Naawa nga ako kay Terra kasi mamamatay siya huhuhu. But she is the best fighter Girl.”

Pahulaan naman kung tuluyan na nga bang sasanib si Gaiea (Cassandra Lavarias) habang hawak naman ni Gargan ang kaluluwa ni Terra? Hindi naman matanggap nina Adamus, Flamarra, Deia, at mga Kambal Diwa ang sinapit ni Terra sa kamay ni Gargan.

Samantala, lumalalim ang mga intriga sa Sapiro at Hathoria. Totoo nga bang may mas malaking digmaan na paparating? 

‘Yan at marami pang iba ang dapat abangan sa Encantadia Chronicles: Sang’gre sa GMA Prime.  

Balitang may bagong ginagawang project si Bianca kaya’t kinailangang tsugihin na siya sa series. Magbabalik-romcom daw ang magandang aktres kasama ang ilan pang mga bagong Kapuso star kaya’t huwag daw gaanong malungkot ang fans nito sa Sang’gre.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Bravo Advocacy Awards Cecille Bravo

Bravo Advocacy Awards ni Cecille Bravo inilunsad 

MATABILni John Fontanilla INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Jerald Napoles Kim Molina

Kim, Jerald ikinasal sa Bohol

IKINASAL na noong Marso 1, 2026 sina Jerald Napoles at Kim Molina sa Amorita Resort, Panglao, Bohol. Star studded …

Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABILni John Fontanilla WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian sinuportahan laban ni Eman

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga kay Jillian Ward nang suportahan nito ang laban ni Eman Bacosa Pacquiaonoong Sabado …