I-FLEX
ni Jun Nardo
RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife na kalaunan eh nakatagpo na rin ng bagong pag-ibig mula sa isang aktres.
Gusto na lang maging content creator ng junior actor dahil may negosyo naman siyang pinagkakakitaan.
Naging leading man naman si JA pero dahil may mga baguhang aktor na mas guwapo sa kanya, naging support na lang siya o ‘di kaya, maiksi lang ang exposure sa proyekto.
Wala pa kaming alam kung ano ang magiging content ng aktor sa gagawin niya.
Eh may kita rin naman sa paggawa ng content basta masipag ka, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com