I-FLEX
ni Jun Nardo
UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal nating local tourism especially sa Siargao.
Sa post ni Bianca, mas mahal pa raw pumunta sa Siargao kompara sa biyahe sa Hong Kong, Thailand, at Vietnam.
Pumalag naman ang isang fotog at pinasinungalingan ang pahayag ni Bianca.
Inisa-isa niya ang halaga ng gastos sa Siargao mula sa airfare, accommodation, at iba pa na affordable.
Hay, venue na rin ng sagutan ng dalwang panig ang social media, huh! Daig pa ang boxing ring.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com