Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED R
ni Rommel Gonzales

NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao.

Kapag dumadalaw kasi si Paolo sa amang nasa kulungan ay madalas na tungkol sa showbiz career nila ang napag-usapan ng mag-ama.

Lahad ni Paolo, “Ang pinaka-napanood lang kasi niya sa akin…siyempre ‘pag pelikula, medyo hirap siyang manood ng mga pelikula, dahil hindi naman lahat ng mga pelikula ko napapanood sa TV, eh.

“So, ang pinaka-napanood lang niya sa akin ay ang ‘Batang Quiapo,’ kasi may TV naman sa loob ng kulungan, eh. So, napapanood niya ang mga eksena ko.

“Ang ipinapayo lang niya sa akin, na oo nga raw, ‘yung pagiging kontrabida, maganda rin naman daw, pero sana raw, maghanap ako ng way na maging bida naman.

“Na huwag daw akong mag-stick sa pagiging kontrabida. Na mag-try din ako ng iba’t ibang role. Mga ganoon lang naman ang napag-uusapan namin.”

At nangyari na ang pinakamimithi ng kanyang ama sa pamamagitan ng pelikulang Spring In Prague na isang wholesome na pelikula na bida si Paolo kapareha ang Czech actress na si Sara Sandeva na ang producer ay ang Borracho Film Productions ni Atty. Ferdinand Topacio.

First time kong gumawa ng pelikula na mabait ang character, na lover boy ako, na walang hinahabol na masama.

“Challenging ang pelikula na ito sa akin, kasi kailangan ko talagang ipakita na leading man ako.

“Hindi naman kasi ako sanay sa pangiti-ngiti lang, dahil mas sanay ako na nakasimangot ako, na nang-aakit ako. 

“Puro ganoon kasi ang mga ginawa ko before.

“Pero rito sa ‘Spring in Prague’ kailangan ko talagang ipakita na natural ang acting natin, na lover boy ako.

Pero ang saya ng experience ko sa ‘Prague.’ Bukod sa malamig talaga, ang ganda ng scenery,” kuwento ni Paolo.

Si Lester Dimaranan ang direktor ng pelikula.

Samantala, ang mga nasanay na makita ang bortang katawan ni Paolo ay hindi mabibigo dahil bukod sa shooting nila mismong sa Prague ay nag-shoot din sila sa Puerto Galera.

Isang resort owner ang papel ni Paolo at may mga eksena siyang nakahubad at naka-shorts lamang.

Mapapanood sa mga sinehan ang Spring In Prague simula sa February 4.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Ping Lacson Martin Romualdez

Lacson: ‘hindi enough’ testimonya ng mga saksi laban kay Romualdez

AMINADO mismo si Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi sapat ang testimonya ng mga saksi …

Manuel Bonoan

Sa takot maaresto sa Estados Unidos
Ex-DPWH Sec. Bonoan lumipad pabalik ng bansa

SA PANGAMBANG maipaaresto ng Senado si dating Department of Public Works and Highways (DPWH)  Secretary …