Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Breaking The Silence

Breaking The Silence napapanahong pelikula

DAPAT suportahan at panoorin ang pelikulang Breaking The Silence ni Direk Errol Ropero dahil bukod sa napakahusay ng mga artista rito, napapanahon ito at kapupulutan ng maraming aral.

Ang Breaking The Silence ay pinagbibidahan nina Ramon Christopher, Pinky Amador, Jeffrey Santos, Rob Sy, Pekto Nacua, Bugoy Cariño,Mark Herras, Shira Tweg,Potchi Angeles Gray Weber, Zion Cruz, at Ryrie Sophia.

Ayon nga kay Ms. Ann Michelle Weber ng Gummy Entertainmemt, producer ng Breaking The Silence,“Noong pinag-uusapan na namin ni Direk Errol ‘yung movie, kung para saan ito, kung ano ‘yung gagawin, naisip ko ‘yung kids ko.

“Uy bullying! I have Ivo here my son with a very long hair that experience (bullying), grabe po. At a very young age grabe ang pagka-severe ng pagka-bully sa kanya, na until now to be honest, hindi niyo siya mapapaihi sa urinal na pang-lalaki nanginginig siya ‘pag nakita niya.

“And then I have my eldest na na-bully din. She undergo trauma. I think ‘di ko namam ito itinago na my two kids is from my past relationship and I marry my wonderful husband,

“My eldest has a trauma from broken family. 

“Sabi ko wait, nakare-relate talaga roon sa story and I myself goes to post partum. So sabi ko push natin ito. Tapusin natin kahit anong mangyari (movie).

“Kasi I want the people na mas maintindihan ang mental health. Ano ba ‘yung puwede nating magawang tulong for them?

“Kaya I’m thankful din po kay direk Errol  for bringing the movie to me talaga. Sa buong cast sabi ko nga they are my greatest blessings in 2025 until now, thank you so much,” wika ni Ms Anna.

Ang pelikula ay lilibot sa iba’t ibang eskuwelahan sa buong Pilipinas kasabay ng pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Isinusulong ng pelikulang ito ang kahalagahan ng mental health, anti- bullying, pagkakaisa, pagmamahalan, at pagkakaintindihan ng bawat pamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …