Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa dalawang parsela sa Port of Clark, lalawigan ng Pampanga.

Ayon sa ulat mula sa Bureau of Customs (BoC), nagmula ang kargamento, unang idineklara bilang car mats, sa bansang Austria at patungong Lungsod ng Davao sa ilalim ng parehong consignee.

Ngunit sa isang pisikal na pagsusuri sa kargamento ay nakakompiska ng kabuuang 4,124 tableta ng hinihinalang ecstasy na tinatayang may kabuuang halagang P7,040,125.

Ayon sa mga tauhan ng Customs, isinagawa ang inspeksiyon matapos ma-flag ng X-ray team ng BoC ang mga parsela para sa mga kahina-hinalang imahen.

Sa pagsusuri, ang unang parsela ay natagpuang naglalaman ng 2,693 tableta ng ecstasy na tinatayang may halagang P4,591,275, habang ang pangalawa ay nakakompiska ng 1,431 tableta ng ecstasy na may halagang P2,448,850.

Nagpositibo sa ilegal na droga ang mga nakompiskang tableta sa inisyal na on-site presumptive drug test ngunit ang mga sample nito ay isinumite sa PDEA para sa confirmatory laboratory examination.

Habang hinihintay ang beripikasyon, sinabi ng BoC na maglalabas ito ng warrant of seizure and detention para sa mga parsela dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Black smoke

Maingay, maamoy
SUSPENSIYON VS PERMIT NG TIME CERAMIC HILING NG MGA RESIDENTE

SAN PASCUAL, Batangas — Nanawagan ang mga residente ng Brgy. San Teodoro laban sa Time …

Arrest Posas Handcuff

Sa loob ng 24 oras…
NEGOSYANTE DINUKOT, P5 MILYONG RANSOM NAPURNADA, TATLONG KIDNAPER TIMBOG

Sa pamamagitan ng mabilis at sama-samang aksyon ng pulisya ay matagumpay na nailigtas ng mga …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

PBBM impeachment Makabayan bloc

Ikalawang impeachment vs PBBM inihain ng Makabayan bloc

ni Gerry Baldo ISINUMITE ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa …