Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isha Ponti Andrea Gutierrez

Wala Ka Sa Pasko ni Isha Ponti emosyonal, 45 minuto lang nai-compose

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BAKIT nga kaya madalas na malungkot ang tema ng mga kantang Pamasko?

“Oo nga po ano? Pero iba kasi kapag ‘yung totoong feeling sa ganitong time ‘yung na-e-express mo,” sagot sa amin ni Isha Ponti.

Sa mahigit na 20 kantang naisulat ng young singer, ang kanyang latest composition na  Wala Ka Sa Pasko ang isa sa most emotional song niya.

Kuwento ng the “next one” singer, “mabilisan po ‘yung pagkakagawa namin. Habang nasa rehearsal kami for our concert this Dec. 13. Parang in 45 minutes lang po, natapos na ‘yung song. Kaya medyo may kodigo pa ako dahil first time ko ring kinanta today (sa mediacon).”

Maganda ang mood at texture ng Wala Ka Sa Pasko ni Isha. Mayroon itong sangkap na gaya ng mga famous OPM Christmas songs gaya ng Pasko na Sinta Ko, Sana Ngayong Pasko at iba pa.

Sentimental po talaga ang mga Pinoy. Although sinasabi nilang at my age ay hindi ko pa nararanasan ang mga sinasabi sa lyrics ng song dahil it talks about longing for someone on Christmas, still very relatable po siya. 

“Parang naririnig at nakikita ko ang kwento ng song sa mga kakilala ko, sa mga friend,” dagdag pa ni Isha.

Sa Dec. 13, mahuhusgahan na sila ni Andrea Gutierrez sa The Next Ones concert sa Music Museum. Si Andrea ang Bossa Nova singer na gaya ni Isha ay tinatawag ding the next one ng music industry.

Good luck and congratulations!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …