Monday , January 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lacanilao LTO Luxury Cars

Chinese luxury car dealer iniimbestigahan ng LTO

NAGSASAGAWA ng isang malalimang imbestigasyon ang  Land Transportation Office (LTO) sa isang  Chinese national upang matukoy ang koneksiyon nito na may kinalaman sa nagbenta ng sold luxury cars sa mag-asawang kontratista na sina  Pacifico at Cezarah Discaya.

Ayon kay LTO chief, Assistant Secretary Markus Lacanilao, nais nilang matukoy kung mayroong kaugnayan ang naturang Chinese national sa  car dealer na  Frebel Enterprises na sinasabing nag-supply ng luxury cars sa pamilya Discaya.

Kinilala ang naturang  Chinese national na si Cheng Cao, nagma-may-ari ng  ACH High-End Motor Center na matatagpuan sa lungsod ng Makati na noong Pebrero ng nakaraang taon ay ni-raid ng  Bureau of Customs (BoC).

Si Cao ay pinaghihinalaang bahagi ng isang malaking sindikato na may kaugnayan sa talamak na smuggling ng luxury cars sa bansa.

Sa loob ng isang linggong pag-upo ni Lacanilao bilang  LTO chief ay kanyang ipinagmalaki na nakapag-impound na sila ng mga luxury vehicles kabilang dito ang Ferrari 458, Lamborghini Urus, at Lamborghini Huracán.

“All of them had one importer, Frebel, which was the same importer of the Discayas, that were registered with the National Capital Region (NCR),” ani Lacanilao.

Magugunitang sa isang pagdinig sa Senado, tinukoy ni Discaya  ang Frebel Enterprises bilang isa sa mga nabilhan nila ng sasakyan.

Dahil dito agad na nakipag-ugnayan ang LTO sa Customs upang matukoy ang ugnayan ni Cao at ng  Frebel.

May suspetsa na ang Frebel  ang siyang supplier ni Cao ng mga ibenebenta nitong luxury cars sa kanyang mga kliyente.

Iniimbestigahan na rin ng LTO at BoC ang mga  luxury cars na naka-display sa showroom ni Cao na sinabing imports ng Frebel.

Nag-ugat ang imbestigasyon matapos kumilos ang  LTO at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) para maaresto si Cao na inireklamo at sinampahan  ng kaso  ng kanyang dating  tauhang Filipino sa pamamagitan ng tanggapan ni  Senador Erwin Tulfo sa LTO.

Sa pagkakaaresto kay Cao ay nakuhaan siya ng baril na walang lisensiya  at  napuna na ang kaniyang  asul na Mercedez Benz ay hindi tugma sa nilalaman ng mga papeles ng sasakyan.

Suspetsa ni  Lacanilao, itinatago nito ang tunay na pagkakakilanlan kung kaya gumamit ng pekeng lisensiya.

Tinukoy ni Lacanilao na karamihan sa kliyente ni Cao ay pawang konektado sa mga nagpapatakbo ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame si Cao samantala ang kanyang Mercedez Benz ay nasa pangangalaga ng  LTO.

Agad nakipag-ugnayan ang LTO sa Bureau of Immigration (BI) upang matukoy ang tunay na pagkakakilanlan ng suspek. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …