Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at nagsabi na hindi siya kampante sa  mga dyaryo kaya mas gusto niya ang social media at mga TV Network ang magkokober sa kanyang mga accomplishment dahil sikat nga naman!

Si GENERAl ay miyembro ng Iglesia ni Kristo (INC) at super lakas ito kay Pangulong BBM.

Dahil sa asal nitong heneral  ay nagpupulong na ngayon ang ilang diyarista upang batikusin ang nasabing General na diring-diri sa mga diyarista!

Ang nasabing Heneral ay kilala nilang maangas at mayabang ayon sa kuwento ng ilang opisyal ng PNP.

Kaya naman prangkahan niyang sinabi sa mga diyarista na hindi siya komportable sa mga diyaryo!

Parang natunaw na ice cream ang mga kaharap nitong diyarista nang prangkahan niya itong sinabi.

Mas gusto yata ni General ang mga vlogger na puro fake news ang hatid!

Kung si Heneral na tinutukoy ko ay ayaw ng mga dyarista, mukhang naiiba naman itong General sa parteng CAMANAVA.

Sabi ng mga media na kumokober, choosy naman ito sa kikilalaning media.

Baka naman nabiktima na ng mga media itong dalawang heneral na ito at ayaw sa mga diyarista? Biktima kaya na paano? Nai-expose ang mga katiwalian?

Ang unang General na aking binanggit ay taga “Wen Manong”!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ex-Cong. Co, paano makauuwi kung may banta sa buhay?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA ISYU ng kontrobersiyal na flood control ghost projects ng Department …