PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
IBANG-IBA talaga ang kinang ng nag-iisang Asia’s Limitless Star at The Voice Kids coach na si Julie Anne San Jose dahil matapos ang official release, pasok agad ang newest single niyang Simula sa Top 4 NG iTunes Album, Top Songs, at Top Searched Artist.
Hindi matatawaran ang angking galing at karisma ni Julie Anne.
Sey ng ilang netizens, “Dominating the itunes chart!!! Iba ang isang Julie Anne San Jose.”
Kamakailan nga ay inawit din ng aktres ang kanyang single sa Sparkle Trenta concert na talaga namang nagpaindak sa mga fan at supporters niya. Si Julie Anne rin ang umawit ng bagong theme song ng Sparkle GMA Artist Center na, We Are Sparkle sa pagtatapos ng programa.
Mapakikinggan ang Simula sa lahat ng digital platforms nationwide, https://orcd.co/simula-julieannesanjose at abangan naman ang release ng We Are Sparkle soon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com