Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Ion Perez Rhea Tan Beautederm

Vice Ganda dinepensahan pagiging mahiyain ni Ion

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG-MASYA at labis-labis ang pasasalamat ng Phenomenal Star na si Vice Ganda sa CEO & President ng Beautederm na si Rei Anicoche- Tan dahil kinuha silang pareho ng kanyang partner na si Ion Perez para maging ambassador ng Belle Dolls. 

Ang pagpapakilala at pagpirma ng kontrata nina Vice Ganda at Ion bang newest ambassador ng Bell Dolls ay ginanap kamakailan sa Grand Ballrooom ng Solaire North.

Ayon kay Vice Ganda, sobrang mahiyain si Ion. “Mahiyain kasi siya talaga. Kaya nao-overwhelm siya. Kaya ako naman, natutuwa ako dahil nae-experience niya ito.

“Kapag nararamdaman niya ‘yung love ng ibang tao sa kanya at support, it really overwhelm him.”

Dagdag pa nito na dahil kay Ion ay mas naalagaan nito ang kanyang kalusugan,“Kasi nga, unang-una, bahagi ‘yon ng aming trabaho.

“Kailangan talagang alagaan namin ang sarili namin dahil maraming bahagi ng trabaho namin ang physical, ‘yung kalusugan namin.

As entertainers, kailangan kapag nakita kami ng tao, kaaya-aya kami. Kasi, ano kami, eh, celebrities, idols, ‘di ba? So, hindi kami kakapitan ng tao kung hindi maayos at matino ang mga hitsura namin, ‘di ba?

“Personal nating obligasyon sa sarili natin na alagaan ang sarili natin, ‘di ba? Pero bukod sa personal, professionally obligasyon din natin.

“At malaking bagay na nandidito siya. Kasi, may katuwang ako. At may mga bagay akong natututunan dahil sa kanya.

“Kasi when it comes to health, healthcare, parang mas marami siyang alam tungkol sa akin at isine-share niya sa akin.

Your heart becomes happier and healthier when your heart feels that someone is taking care of you,” tsika pa ni Vice Ganda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …