Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
SABI ng Phivolcs, ang fault line sa NCR ay lilikha umano ng 7.1 magnitude earthquake sakaling gumalaw ang West Valley Fault, ang 100-kilometer long fault system.
Ang naturang fault system ay dumaraan sa iba’t ibang lungsod at probinsiya na kinabibilangan ng Bulacan, Makati, Marikina, Taguig, Muntinlupa, Rizal, Laguna, at Cavite.
Sa tantiya ng Phivolcs, mahigit 30,000 indibiduwal ang posibleng masawi at higit pa sa 100,000 ang maaaring masugatan.
Kaya huwag maging kampante ang lahat, iba na ‘yung handa tayo sa lahat nang posibleng maganap.
Higit na kawawa ‘yung nakatira sa mga coastal area dahil hindi imposibleng magkaroon ng tsunami, na lalong pipinsala sa kabahayan at sa mga tao.
Sa Kabisayaan, nakita natin ang epekto ng lindol sa Cebu at Davao kahit gawa pa sa bato ang bahay mo gigibain at wawasakin talaga nang malakas na lindol.
Kung ang bahay mo ay nasa mataas na palapag, gumamit ng hagdan para lumikas.
Maghanda na ng mga pangunahing gamot, at first aid kits.
Ang mahahalagang bagay tulad ng dokumento ay balutin na sa lalagyan na safe at mabibitbit. Kailangan ang presence of mind sa mga sitwasyon na tulad ng lindol at sunog, hindi dapat mag-panic o mag-hysterical.
Huwag unahin ang pagvi-video bagkus unahin na iligtas ang mga sarili.
Mahirap kalaban ang kalikasan, hindi puwede ang tapang, sa halip ay bukas at handa ang isipan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com