IPINAG-UTOS kahapon ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Vigor D Mendoza II sa lahat ng regional director na umpishan na ang pag-iinspeksiyon sa mga bus at iba pang transport terminal bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong pauwi ng probinsiya para sa paggunita sa “All Saints” at “All Souls” Days (UNos Dias de los Almas y de los Santos) o
UNDAS sa 1-2 Nobyembre.
Ayon kay Mendoza II, pinatitiyak na rin niya sa lahat ng bus companies at transport operator ang seguridad sa terminal bukod sa pagiging komportable ng mga pasahero.
“Tapusin na natin ‘yung nakagawian na parang utang na loob pa ng mga pasahero na sumakay sa mga bus at mga pampublikong sasakyan. Your passengers are your lifeline in business, respect them with clean, presentable and comfortable waiting areas,” pahayag ni Mendoza.
“We will also make sure that all buses and other public transport vehicles are safe—from the vehicles to the drivers and conductors— to ensure that passengers will go to their destinations safe and comfortable,” dagdag ng Tserman.
Sa kanyang kautusan sa mga Regional Director at bus station at iba pang transport companies, partikular na pinatitiyak ni Mendoza ang kalinisan ng mga palikuran.
“In particular, CRs must be functioning properly, well lighted and well ventilated at no cost or minimal cost to passengers,” ani Mendoza.
Sinabi ni Mendoza na kinakailangan maging komportable at konbiniyente ang mga pasahero sa waiting areas ng terminal kung saan kinakailangan naaayon sa alituntunin ng LTFRB requirements.
“Under our watch, this will be a regular thing. Hindi lang pang UNDAS, Pasko o Semana Santa. We will require random checking at least every month of the year,” ayon pa kay Chairman Mendoza.
Pinatitiyak ni Mendoza sa mga transport companies at transport terminal managers na magiging maayos ang booking process para sa mga pasahero.
“Nakikiusap din tayo sa mga bus companies na i-remind ang kanilang mga empleyado na huwag magsusungit sa mga pasahero. Titiyakin natin na susundin nila ito,” ani Mendoza.
Upang matiyak na masunod ang mga kautusan, sinabi ni Mendoza na magpapakalat ang ahensiya ng mga mystery passenger upang suriin ang kondisyon ng mga bus station at transport terminal simula sa 24 Oktubre. (ALMAR DANGUILAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com