WALANG pasok sa lahat ng antas sa private at public schools sa Marikina City dahil sa pagtaas ng mga kaso ng flu at flu-like illnesses base na rin sa rekomendasyon ng City Health Office.
Ayon kay Marikina City Mayor Maan Teodoro, magkakaroon ng dalawang araw na Health Break sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pampribadong paaralan simula Lunes, 13 Oktubre, hanggang Martes, 14 Oktubre 2025.
Ito ay isang preemptive measure upang mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan para makaiwas sa pagkalat ng sakit.
Agarang isasagawa ang malawakang paglilinis at disinfection sa mga paaralan upang matiyak ang ligtas at maayos na pagbabalik-klase.
Payo ng alcalde, habang naka-health break ang mga estudyante ay manatili sa bahay, magpahinga, uminom ng maraming tubig, at agad magpakonsulta kung may nararamdamang sintomas.
Ito ay para makaiwas sa sakit at makontrol ng pamahalaan ang pagkalat ng sakit na uso ngayon gaya ng lagnat, ubo at sipon. (VICK AQUINO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com