NASA 246 mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) ang grumadweyt, kabilang ang dalawang senior citizens na kapwa nagnanais makapagtapos ng pag-aaral ang binigyan ng parangal ng Navotas local government unit (LGU) sa naganap na graduation ceremony at binigyan ng cash incentives.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, kabilang sa nakapagtapos ngayong taon sina lola Nazareta Padilla, 67 anyos at Herminigilda Roque, 63 anyos, na nagpatunay na walang edad ang pag-aaral.
Nakatanggap ng insentibo ngayong taon ay nasa 33 elementarya, 116 junior high, at 97 senior high school completers na binigyan ng ₱500, ₱1,000, at ₱1,000.
Ang pamahalaang lungsod ng Navotas ay namahagi ng mga cash incentive sa mga Navoteño na nagtapos ng Alternative Learning System (ALS), na kinikilala ang mga mag-aaral na nagsipagtapos labas sa traditional school setting.
Ang inisyatibang ito na ipinatupad sa ilalim ng City Ordinance No. 2025-01, ay nagpapalawak ng saklaw ng programa na kinabibilangan ng mga nagtapos sa elementarya at senior high school mula sa mga pampublikong paaralan.
“Navoteño ALS graduates deserve recognition and support for their determination to seize a second chance at education and turn their dreams into reality,” ayon kay Mayor Tiangco.
Pinuri rin niya ang limang ALS senior high graduates na nakatapos ng Caregiving NC II program sa San Rafael Technological and Vocational High School at mula noon ay natanggap na sa Navotas City Hospital.
Nagpaabot ng suporta ang pamahalaang lungsod sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Navotas City Jail na matagumpay na nakatapos ng kanilang pag-aaral sa ALS. (VICK AQUINO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com