Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Frenchie Dy Here To Stay concert

Here To Stay concert ni Frenchie advocacy project para sa mga nagka-Bell’s Palsy

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

VERY special para kay Frenchie Dy ang kauna-unahan niyang major concert sa October 24, ang Here To Staysa Music Museum.

Sa loob ng dalawang dekada sa industriya matapos maging grand champion ni Frenchie sa isang singing search, halos nakatrabaho na ang lahat ng music icon ng bansa.

There’s a right time po talaga siguro sa lahat ng bagay. I am simply thankful and grateful na kahit inabot ng 20 years eh at saka pa lang ako magkakaroon ng major concert,” ani Frenchie.

Kaya naman sinabi naming baka hindi na siya makapag-perform sa dami ng mga music legend at kaibigan niyang nag-confirm ng kanilang participation sa Here To Stay concert niya.

Oo nga po. Parang lalabas na guest na lang,” bungisngis nito sabay segue na sobra nilang pinaghahandaan ang show sa tulong ng producer (Grand Glorious Prodn) na sumugal sa kanya at ng direktor nitong si Alco Guerrero.

Aside from her artistry and her being a biritera we would like to showcase her musical journey in a manner that everyone can relate to– lahat ng music genres kung makokober, gagawin namin,” sey naman ni direk Alco.

At dahil isa itong advocacy project para kay Frenchie na thrice nang inaatake ng Bell’s Palsy, “gusto rin po naming mas lalong makapag-spread ng awareness at hope through music tungkol sa kondisyon na ito.”

Next time na namin babanggitin ang sandamakmak na artists na guest ni Frenchie sa kanyang concert.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …