PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
TILA mas lalo namang naglalabasan ang mga photo and video ng sinasabing umano’y mga travel abroad, helicopter, mga sinasabing mansion at bahay bakasyunan ng Atayde family.
At dahil si Cong, Arjo Atayde nga ang nasa politika at isinangkot ng Discaya couple bilang tumanggap din daw ng milyones na “lagay,” kaugnay ng flood control projects, ito ang nadidikdik, kasama ang negosyante niyang tatay.
May mga naglalabasan pang interview umano kay QC Mayor Joy Belmonte ukol sa isang flood control project (pumping station) ni Cong Arjo na hindi naka-align sa flood control project sa QC.
Pati ang bagong negosyo ng nanay nitong si Sylvia Sanchez on film distributorship at production ay kinukwestiyon ang pondo lalo’t may mga balitang ang pagsali-sali nito sa mga film festival abroad ay naiuugnay din sa pagbili ng properties abroad.
Ipinagtanggol na ni Maine Mendoza ang asawa at sinabing “unfair” ang pagkakasangkot ni Cong. Arjo sa isyu. Hati ang naging reaksiyon ng madla dahil may mga kumampi, pero marami din ang nam-bash.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com