Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
QCPD Quezon City

Pagpaslang sa QC, lutas sa tulong ng FB

LUTAS agad sa loob ng 24-oras ang pamamaril at pagpatay sa isang lalaki ng kanyang kapitbahay  makaraang sumuko sa Quezon City Police District (QCPD) ang suspek makaraang matukoy sa  pamamagitan ng social media at sa tulong ng anak ng huli, sa isinagawang follow-up operation  nitong Sabado, 6 Setyembre 2025.

        Sa ulat kay PCol. Randy Glenn Silvio, QCPD Acting District Director, ang supek na si alyas Noly, 53 anyos, residente sa Brgy. UP Campus, Quezon City ay sumuko sa mga operatiba ng Anonas Police Station 9 na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Zachary Capellan nitong Sabado dakong 9:30 ng umaga sa Tondo, Maynila.

Base sa imbestigasyon, nitong 5 Setyembre 2025 dakong 9:20 ng umaga, nagtalo ang biktima at ang suspek hanggang magsuntukan nang maungkat ang kanilang dating alitan, sa Katipunan Avenue, Barangay UP Campus, Quezon City.

Sa kalagitnaan ng suntukan, bumunot ng baril si Noly mula sa kanyang sling bag at saka tatlong beses na pinaputukan ang biktima, dalawa sa dibdib at isa sa ulo. Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo makaraan ang krimen.

Agad isinugod ang biktima sa Quezon City Medical Center (QCMC) pero idineklarang dead on arrival ng attending physician dakong 10:43 ng umaga.

Samantala, bunga ng imbestigasyon ng PS 9, nakakuha ng impormasyon ang pulisya ng mga pagkakakilanlan sa suspek at kung saan maaaring matunton.

Sa pamamagitan din ng Facebook messenger, nakipag-ugnayan ang mga operatiba sa lalaking anak ng suspek at binanggit na sangkot ang kanyang tatay sa pamamaril at pagpatay. Hiniling ng pulisya sa anak na tumulong  sa pagkumbinsi sa tatay para sumuko.

Nitong Sabado, 6 Setyembre, dakong 9:30 ng umaga, kasama ang anak, sumuko si Noly sa mga operatiba ng pinagsanib sa puwersa ng PS 9 at District Intelligence Division (DID).

Sa isinagawang beripikasyon sa pamamagitan ng Investigation Solution Automatic Verification (ISAV) system, ang suspek ay nasangkot sa kasong Falsification of a Public Document noong November 2023. 

Nakatakdang samapahan ng kasong Murder ang suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office.

“This arrest demonstrates the QCPD’s unwavering commitment to uphold the rule of law and ensure the safety of our communities. Through intelligence-driven operations and the cooperation of the public, no individual will be allowed to evade accountability for violent crimes. This is in line with the directives of the Acting C/PNP, P/Lt Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., and in full support of NCRPO Regional Director, PMGen. Anthony S. Aberin,” pahayag ni Silvio. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …