I-FLEX
ni Jun Nardo
BIKTIMA ang isa naming kaibigan sa Facebook page na Ivana Alawi Live na fans pala ang tila namamahala.
Ang atraksiyon ng page eh , “Mag-yes ka lang, kapag nag-rely (o reply?) ako, Automatic na may 7,500 ka.”
Eh sa komento ng kaibigan namin, sinabi niyang fake raw ‘yung page. Nanalo raw siya pero hindi mabuksan ang page o account siguro.
Naku, dapat alamin ito ni Ivana kung involoved man siya sa FB page na ito. Kung may concern lang naman siya, huh!
Kung dedma, eh ‘di wow! Mayaman naman siya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com