Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana

Carla tinawag ang pansin pagpuna sa mga Discaya

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAY mga netizen na nag-call out na naman kay Carla Abellana dahil sa isyu ng mga Discaya sa Pasig na mainit na mainit nga ngayon sa mainstream media.

Inaakusahan na naman ng pagiging clout chaser umano o “water lily” ang aktres dahil sa post nitong nire-recall ang minsang experience ng shooting sa building ng mga Discaya.

Ano bang aktres na iyan, lahat gustong sawsawan. Wala bang ibang pinagkakaabalahan iyan?,”reaksiyon ng mga netizen.

Ang nasabing post ni Carla kaugnay ng kontrobersiyal na mga luxury car ay ganito, “Ahh, sa kanila palang lahat ‘yun. Nag-taping na kami sa building na iyan sa Pasig. And I was like, ‘parang alam ko na kung ano ang ‘business’ ng may-ari ng mga ‘to.”

Kilala ngang mahilig mag-opinyon o mag-share ng kanyang experience o thoughts si Carla kahit mga outside showbiz issues. Mula nga sa pets o alagang hayop, sa isyu sa tubig, baha , ayuda at ngayon nga’y sa luxury cars, masasabi nating “updated” at aware si Carla.

And for us that’s a good thing at saludo kami sa pagiging involved and concerned nito more than her being pakialamera at pa-bibo ayon sa mga basher niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …