Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
DALAWAMPU’T DALAWANG ospital sa bansa ang tumatanggap ng guarantee letter mula sa ahensiya ng DSWD dahil pursigido si Secretary Rex Gatchalian na bigyan ng dapat na tulong ang mga indigent families na walang kakayahang gumastos sa pagpapaospital ng mga mahal sa buhay na may mga sakit na nangangailangan ng suporta para sa medical assistance.
Sa kolaborasyon na naisagawa sa mga suppliers, pharmaceutical forms, at ilang distributors na sumailalim kasama ang DSWD para maging mas matibay ang paggamit ng mga guarantee sa medical assistance.
* * *
DAPAT lang imbestigahan ang mga pondo ng flood control na mas malaki pa ang kinita ng mga contractor at ibinulsa ng mga namumuno sa DPWH.
Lahat ng lugar sa Kamaynilaan na hindi dating binabaha ay binabaha na ngayon.
Dito nakita ang malaking katiwalian sa ahensiya ng DPWH, ang mga bidding-bidingan ng mga winning bidder sa hanay ng mga contractor.
Ang puhunan ng mga contractor, partikular sa mga proyekto para sa flood control ay agad nakakukubra ng kanilang puhunan kasama na rito ang ibibigay na SOP sa mga namumuno sa DPWH.
In short, ‘di pa tapos ang proyekto, tapos na ang para sa kinabukasan ng mga namumuno sa DPWH.
Talagang dapat lang pagsisibakin ang mga corrupt na opisyal ng DPWH.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com