MATABIL
ni John Fontanilla
KATULAD ng iba pang gig ng Innervoices sa iba’t ibang bar na tinugtugan ng grupo na lahat tiyak ay nag-eenjoy, napapakanta, at napapasayaw, super hit din sila sa Aromata sa Scout Lascano, Quezon City noong July 30.
Talaga namang nag-enjoy ang maraming taong naroroon na napakanta at napasayaw sa mga awitin ng Innervoices.
Isa kami sa mga press people na naimbitahan ng kanilang leader at keyboardist na si Atty. Rey Bergado ng Innervoices at kami man ay super nag-enjoy.
Namataan namin ng gabing iyon na nanood din ng gig ng Innervoices ang napakahusay na si Dulce.
Kasama ni Atty. Rey sa Innervoices sina Patrick Marcelino (lead vocalist), Joseph Cruz (keyboard), Joseph Esparrago (drums), Alvin Hebron (bass), at Rene Tecson (lead guitar).
Ilan sa paborito kong kanta ng Innervoices ang Meant To Be na isinulat ni Atty. Rey at ang nakaiindak na Galaw Galaw na hit sa Tiktok at sinasayaw ng marami, Idlip, T. H. A. L. (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa), Saksi Ang Mga Tala, Handa Na Kitang Mahalin, at ang Sayaw Sa Ilalim Ng Buwan.
Bukod sa Aromata ay regular ding napapanood ang Innervoices sa 19 East Bar and Restaurant (na pag-aari ni Wowee Posadas) at sa Noctos sa Scout Tuason sa Quezon City, at sa Hard Rock Café sa Glorietta sa Ayala.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com