Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jose Antonio Ejercito Goitia Liza Araneta Marcos

Goitia ipinagtanggol si FL Liza

NANAWAGAN ang Chairman Emeritus ng apat na Filipinism advocacy groups sa kagawaran ng Department of Justice (DOJ) at sa Department of the Interior and Local Government ( DILG) na magsagawa ng malalalimang imbestigasyon at alamin kung sino ang mga taong nasa likod ng nagpakalat ng mga maling impormasyon laban kay First Lady Liza Araneta Marcos.

Sa pahayag ni Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, Chairman Emeritus ng People Alliance for Democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Liga Indipendencia Pilipinas (LIPI) at Filipinos Do Not Yield (FDNY- Movement), ang kanyang panawagan ay bunsod sa isang pekeng police blotter na lumabas  online, kaugnay ng pagkamatay ni Paolo Tantoco.

“Bilang isang taong nakasaksi sa kanyang totoong  dedikasyon sa bansa at sa kanyang hindi natitinag na malasakit sa  kabila ng samot-saring pang-iinsulto at panggigipit, labis akong nabalisa kaya napilitang magsalita,” ani Goitia.

Aniya, ang nasabing blotter na kumalat ay pinabulaanan na umano ng Konsulado ng Filipinas sa Los Angeles at maging ng Malacañang.

“Wala ito sa mga opisyal na pagkakakilanlan o tanda ng isang tunay na dokumento mula sa  Estados Unidos. Ito ay gawa-gawa lamang  na idinisenyo upang iligaw ang publiko,” ani Goitia patungkol sa nasabing police blotter.

“Tama, nasa Estados Unidos siya noon pero wala siyang kinalaman sa pagpanaw ni Paolo Tantoco. Pawang kasinungalinan lamang  na ginagamit upang magdulot ng galit at pagkalito,” dagdag ni Goitia.

Mananagot umano ang mga nasa likod ng smear job na ito hindi lang legal, kundi sa mata ng mga taong nagmamalasakit umano sa katotohanan.

Giit ni Goitia, may mga batas na nakatakda upang harapin ang malisyosong pag-uugali. Isa sa mga kasong posibleng isampa sa responsable sa pagpapakalat ng maling impormasyon ay Cyber Libel sa ilalim ng Cybercrime (RA 10175) para panagutin ang mga tao sa online na paninirang-puri, Falsification of Public Documents (Article 171 Revised Penal Code), at Safe Spaces Act (RA 11313) na nagpoprotekta sa kababaihan, kabilang ang mga naglilingkod sa bayan.

Aniya, makatutulong ang international cooperation na kinasasangkutan ng mga ahensiya tulad ng Beverly Hills Police Department  at Embahada ng Estados Unidos na masubaybayan kung sino ang gumawa at nagkalat ng pekeng blotter.

Nanawagan si Goitia sa mga Filipino na huwag madaljng magpaloko. Aniya, mag-isip at maging mapanuri, magtanong, at huwag hayaang hubugin ng kasinungalingan ang ating pang-unawa.

Nagpahayag ng suporta si Goitia sa Unang Ginang.

“At kay First Lady Liza Araneta Marcos, hindi ka nag-iisa. Nakikita ng marami sa amin ang ginagawa mo at ang biyayang haharapin mo sa kabila ng lahat ng ingay na yumuyurak sa iyong pagkatao. Tumayo kami at patuloy na tatayo kasama mo,” ani Goitia. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …