Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sta Maria Bridge Cabagan Isabela

Sa bumagsak na Sta. Maria Bridge:
NETIZENS, NANAWAGAN RESULTA NG IMBESTIGASYON ILANTAD SA PUBLIKO

MAHIGIT apat na buwan matapos ang insidente ng pagbagsak ng Sta. Maria Bridge sa Cabagan, Isabela, ngunit hanggang ngayon nananatiling walang inilalabas na opisyal na resulta ng imbestigasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) o ang Senado.

Dahil dito, nanawagan ang publiko at netizens para sa malinaw na pananagutan mula sa mga sangkot sa proyekto.

Noong 27 Pebrero 2025, bumigay ang bahagi ng Sta. Maria Bridge habang tinatawid ng isang overloaded na dump truck na may bigat na mahigit sa 100 tonelada, dobleng mahigit sa pinapayagang 44 tonelada. Anim ang nasugatan sa insidente.

Matapos ang insidete, agad iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang masusing imbestigasyon at nagbabala na “dapat may managot.” Tinukoy ng Pangulo ang maling disenyo at overloading bilang mga pangunahing salik sa pagbagsak ng tulay.

Sa mga ulat at sumbong na kumakalat online, ilang dati at kasalukuyang opisyal ng DPWH ang binabanggit ng publiko:

               • Eugenio Pipo, dating Assistant Secretary for Operations, tinukoy na  nagpatuloy sa proyekto kahit may problema sa disenyo at hindi umaksiyon kahit hindi naipapadaang maayos ang natapos na tulay.

               •  Usec. Ador Canlas, na sinabing nag-apriba sa retrofitting design kahit hindi umano masusing sinuri.

               •  Usec. Cabral, naglaan ng pondo para sa retrofitting matapos matukoy ang mga depekto sa tulay.

Lumalabas din ang alegasyon na ginamit ang bahagi ng pondo ng proyekto sa ibang bahagi ng tulay upang umano’y pagkakitaan, imbes ayusin ang mga depektibong bahagi ng superstructure.

Sa kabila ng pangako ng pagbusisi sa nasabing insidente ay wala pang inilalabas na resulta ang DPWH hanggang ngayon. Dahil dito, aktibo ang panawagan ng mga netizen at mamamayan sa social media na ilabas ang mga dokumento ng imbestigasyon, lalo ang mga hawak ng Senate Blue Ribbon Committee.

“Ang tulay na ’yan ay pinondohan ng buwis ng mamamayan. Karapatan naming malaman kung sino ang responsable.”

May mga panawagan na gawing pampubliko ang lahat ng ulat ukol sa proyekto at isama ang historical records ng disenyo, konstruksiyon, at retrofitting.

Ayon sa DPWH, patuloy pa ang kanilang internal investigation sa ilalim ng pamumuno nina Usec. Anne Sharlyne Lapuz at Usec. Eric Ayapana. Ngunit wala pa rin ulat o press release na inilalabas ukol sa resulta.

Wala rin inilalabas ang Senate Blue Ribbon Committee ukol sa mga hakbang kung may isasampang kaso laban sa mga sangkot sa proyekto.

Patuloy ang panawagan ng taong bayan na magkaroon ng pananagutan sa insidente. Sa kawalan ng ulat at pagsisiwalat, lumalakas ang hinala ng publiko na may itinatago ang ilang opisyal.

 Umaasa ang publiko na tutuparin ng administrasyon ang pangakong “heads will roll” at hindi hahayaang malimutan ang insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …