LIBRE nang makapag-aral ng salitang Nihonggo ang mga Marikenyo na alok para sa mga mag-aaral at bagong graduate na nais pumunta at magtrabaho sa Japan sa pamamagitan ng Nihonggo training program na inilunsad ng Marikina City local government unit (LGU) at ka-partner na bayan ng Sakai, Japan at Onodera User Run.
Ang Nihonggo training program ay tatagal hanggang anim na buwan o isang semester sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMAR) na inilaan para sa mga nais mag-aral ng salitang Hapon na isang magandang oportunidad para sa mga mag-aaral.
Ayon kay Marikina City Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro, bukas na ang Onodera User Run facility na may kakayahang turuan ang mga nais magtrabaho sa abroad at maaaring matuto ng caregiving, hotel accommodation, at food service.
“It is significant because it removes a major barrier—accessibility. Language is often the biggest hurdle for Filipinos hoping to work in Japan. By offering this for free, we are democratizing opportunity. This is also a symbol of our continuing partnership with Sakai Town and Japan, showing how people-to-people cooperation creates real value for communities,” ayon sa alkalde.
Sinabi ng alkalde na ang programa ay hindi lamang para sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa, partikular na sa Japan, kundi para matuto rin ng salitang Nihonggo at malaman ang kultura ng bansang dadayuhin.
“Language is not just a requirement—it’s a gateway to integration, career success, and daily life in Japan,” dagdag ni Mayora.
Kaugnay nito, naniniwala si Mayor Teodoro na madaragdagan din ang mga skilled workers at job-ready individuals mula sa Marikina dahil sa oportunidad na isinulong ng kanilang Sister city Sakai, Japan. (VICK AQUINO)