Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
EPD Eastern Police District

EPD pinalakas kampanya sa Dial 911

PINALAKAS ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ang paggamit ng Dial 911 emergency hotline bilang agarang pagtugon sa oras ng pangangilangan.

Ayon kay EPD District Director, PBGen. Aden Lagradante, ang Dial 911 ay isang malawakang Information Drive Campaign upang palaganapin ang kaalaman ng publiko ukol sa kahalagahan ng pagtawag sa oras ng emergency at mabigyan ng kaalaman ang mga residenteng nasasakupan ng Eastern part ng Metro Manila — Pasig, Mandaluyong, Marikina, at San Juan City.

Layunin ng Dial 911 na magkaroon ng mabilis at epektibong pagtugon ang pulisya sa mga insidente ng krimen, aksidente, at iba pang uri ng panganib, sa loob lamang ng limang minuto, gamit ang 911 Emergency Hotline.

Bilang bahagi ng kampanya, inatasan ni PBGen. Lagradante  ang lahat ng himpilan ng EPD na ipatupad ang Oplan 911.

Kasabay nito, inilunsad din ang pagpapalabas ng mga Audio-Visual Presentations sa mga LED Walls ng mga paaralan, barangay halls, at iba pang mga establisimiyento, gayondin ang pamamahagi ng informative flyers at pagpapaskil sa social media platforms upang higit pang mapalawak ang abot ng kampanya.

Nakapagtalaga ang EPD ng 181 matagumpay at mabilis na responde gamit ang 911, na nagpapakita ng kahandaan at kahusayan ng mga pulis sa pagsunod sa 5-Minute Response Time directive ng pamunuan ng PNP.

Simula nang inilunsad ang 5-MRT Program ng CPNP, nakapagsagawa ang EPD ng 618 Simulation Exercises upang subukin ang bilis at galing ng pulisya sa pagresponde. Sa mga pagsubok na ito, ang pinakamabilis na pagtugon ay naitala sa loob lamang ng isang minuto pasok sa loob ng limang minutong pangako ng PNP.

“Ang mabilis na pagtugon ng ating pulisya ay nagsisimula sa tamang impormasyon. Kaya’t sinisikap ng EPD na ipaabot sa bawat mamamayan ang kahalagahan ng pagtawag sa 911, ito ang ating lifeline sa oras ng panganib,” ayon kay PBGen. Lagradante.

Ang kampanyang ito ay patunay na patuloy ang pagtutok ng EPD sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang pamayanan sa pamamagitan ng mabisang komunikasyon at maagap na aksiyon ng PNP. (VA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …