Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Caloocan

2 snatcher sumemplang huli sa follow-up ops

NASAKOTE ng Caloocan City Police ang inireklamong dalawang snatcher na nanghablot ng cellphone makaraang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo nang habulin ng mga pulis sa isinagawang follow-up operation, Sabado ng umaga sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth, nagpapatrolya ang kanyang mga tauhan sa East Grace Park nang marinig ang paghingi ng tulong ng 23-anyos babae nang hablutin ng riding-in-tandem ang kanyang hawak na cellphone.

Agad hinabol ng mga pulis na nakatalaga sa Police Sub-Station 2 ang mga suspek at sa pagmamadaling tumakas ay nasagi ang isang sasakyan sa 9th Avenue, 2nd Street, Brgy. 106, dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela at sumemplang na nagresulta sa pagkakadakip sa kanila.

Nabawi ng mga pulis mula sa dalawang suspek, edad na 32 at 23 anyos, ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P7,000 habang kinompiska rin ang gamit na motorsiklo sa paggawa ng krimen.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang suspek at sasampahan ng kasong robbery snatching sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …