PARA sa mas tuloy-tuloy at mabilis na pagseserbisyo, inilunsad na ng Philippine National Police (PNP) Communications and Electronics Service ang isang mobile application na tatawaging PNP Services.
Ang nasabing mobile app ay makabagong plataporma na naglalayong gawing mas episyente at epektibo ang mga pangunahing serbisyo ng mga pulis sa publiko at mapahusay na rin maski ang komunikasyon sa pagitan ng publiko at ng pulisya.
Makikita sa PNP mobile app ang mga directory ng mga police stations, mga serbisyong publiko at maging ilan pang features at links ng iba’t ibang tanggapan ng PNP sa buong bansa.
Sa pamamagitan nito mas magiging mabilis ang paghahatid serbisyo at matutugunan ang mga kuwestiyon o serbisyong nais ng publiko.
Samantala, ito ay bahagi pa rin ng modernisasyon ng PNP na layon nitong gawing mas moderno ang approach ng mga pulis sa mga emerhensiya ng publiko.
Dagdag ng PNP, kailangan lamang i-download ang website upang maka-access. (ALMAR DANGUILAN )