Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arci Muñoz

Arci spotted kasama raw ng isang vice mayor sa Dubai

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAKAKALOKA rin ang latest tsismis ngayon kay Arci Munoz.

Matapos kasing pag-usapan si Ivana Alawi na super dedma sa pagkakasali ng name sa ginawang demanda ng asawa ni Cong, Albee Benitez, si Arci naman ngayon ang may tsismis.

Sa pinag-uusapang viral photo umano na si Arci raw ang kasama ng isang Vice-Mayor (from Ilocos Sur) sa Etihad lounge sa Dubai. Mabilis na nag-wan-plus-wan ang netizen na may ‘something’ umano sa dalawa?

Actually si nanay Cristy Fermin ang sinasabing naglabas ng photos mula sa isang kaibigang source nito na naka-grab nga raw ng sitwasyon nina Arci at sinasabing vice mayor sa nasabing airport lounge.

“Married” na raw si vice mayor kaya’t sari-sari na namang “bashing” ang ipinupukol kay Arci.

Wala pang paliwanag mula sa aktres though may mga nagtatanggol naman na posibleng nagkita o nagkatabi lang ang mga iyon sa naturang lounge.

O baka raw talagang magkaibigan ang mga ito at nagkasama sa Dubai?

They are just photos. They could mean another thing,” sey ng ilang netizen

“Ang tanong, sure ba talagang si Arci ‘yun? Sa halos pabago-bago kasi ng hitsura ni Arci nang dahil sa retoke, mahirap nang sabihin,” ang tila may kantiyaw pang hanash ng iba.

Kalokahhh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …