Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist

Comelec reso ipasa pabor sa lehitimong ABP officials, katarungan sa pagpaslang kay Leninsky Bacud hiniling

SA PAGDIRIWANG ng International Firefighters Day, muling iginiit ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist ang kanilang pakiusap sa Commission on Election (Comelec) na agarang ipasa ang resolusyon na nagbibigay sa kanila ng status bilang tunay at legal na kinatawan ng sektoral na grupo ng first responders sa darating na halalan sa 12 Mayo, kasabay ng ganap na paghimlay ng kanilang third nominee na pinaslang sa Sampalaoc, Maynila noong nakaraang Martes.    

Sa ginawang appeal ng first nominee ng ABP na si Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goitia kay Comelec Chairman George Erwin sinabi niyang ang kanilang grupo ang legit representative ng Ang Bumbero ng Pilipinas Partylist No. 134 at katunayan, ang pinaslang na si Leninsky Bacud ang orihinal na nagtatag ng grupo.

“Sapat na ang isang buhay. Hindi na namin kayang mawalan ng isa pa. Umaapela kami sa inyo Commissioner Garcia na ipasa agad ang resolusyon na nagbibigay sa amin bilang nag-iisang legal na kinatawan ng Ang Bumbero ng Pilipinas partylist,” dagdag ni Goitia.

“Kompiyansa kami at nanatili ang tiwala sa judicial body ng Comelec na mananaig ang hustisya ngunit ilang araw na lang ang natitira bago ang halalan,” diin ni Goitia.

Ibinunyag ni Goitia, na nagsampa si Bacud ng kasong perjury at falsification of public documents sa Office of the Prosecutors sa Quezon City at sa Maynila laban sa 10 tao na sinabing nagtatalaga sa kanilang sarili bilang mga bagong opisyal ng ABP.

Sa reklamo, sinabi ni Goitia na pineke ng grupo ang pirma ni Bacud at lahat ng incumbent board of directors na nagdeklarang sila ay nagbitiw sa kanilang puwesto noong 19 Pebrero 2024.

“Ang pagbibitiw ng mga lehitimong opisyal ng ABP ay naganap sa panahon ng pangkalahatang pagpupulong at espesyal na regular na pagpupulong na may petsang 13 Mayo 2024 na ginanap bilang pagsunod sa Articles of Incorporation at By-laws ng ABP,” dagdag ni Goitia.

“Iyon ang panahon na nagkaroon ng eleksiyon at ako ay nahalal bilang bagong presidente ng ABP at si Bacud bilang bise presidente,” ani Goitia.

Ipinaliwanag ni Goitia, kasama si Bacud ay naghain sila ng petisyon noong Oktubre 2024 na kumukuwestiyon sa legalidad ng kabilang grupo na anila’y nagpapanggap na kinatawan din ng ABP. 

Ipinasya ni Comelec 2nd Division presiding officer Marlon Casquejo ang kaso bilang default noong 17 Enero 2025 dahil sa hindi pagharap ng mga petitioner sa abiso ng petsa at oras ng pagdinig.

SAmantala, nag-alok ng P1 milyong pabuya ang ABP sa mga makapagbibigay ng impormasyon na magbibigay liwanag at magtuturo sa pag-aresto sa mga suspek at utak na sangkot sa pagpatay kay Bacud.

“Mahigpit naming kinondena ang pagpatay kay Bacud bilang isang masamang pag-atake hindi lamang sa aming kasama kundi pati na rin sa buhay ng lahat ng fire volunteers at rescuers na ang layunin ay pagsilbihan at protektahan ang ating mga kababayan sa oras ng insidente ng sunog at iba pang kalamidad,” ani Goitia bilang opisyal na pahayag sa isang press conference na ginanap sa national headquarters ng ABP sa Pasay City. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …