Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gloria Diaz Phillip Salvador

Ms U naboljak si Ipe, netizens ginawan ng partylist kasama sina Paolo at Buboy

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

GRABE talaga kung mag-isip ang mga netizen.

Nang dahil sa pamboboljak ni Ms. U Gloria Diaz kay Phillip Salvador kaugnay ng sustento sa anak, nakaisip ng pagbuo ng party list ang netizen.

Posible nga raw na mas makaa-attract ng publicity si kuya Ipe kung makakasama niya sina Paolo Contis at Buboy Villar na kapwa niya may imahe sa madlang pipol bilang mga “ama” na hindi nagsusustento sa mga anak nila.

Naku tiyak na lagi silang nasa balita. Mas matatandaan silang lalo ng mga tao,” kantiyaw pa ng netizen.

Sa pag-ambisyon kasi ni Phillip na makahanay sa senado ang mga bff niyang sina Sen. Bong Revilla at Jinggoy Estrada, with Lito Lapid at Robin Padilla pa, baka nga lahat na lang ng makapagpapa-ingay ng kanyang name ay gagawin niya.

At dahil napansin siya ni Gloria nang sa isang rally ay sumigaw-sigaw siya ng “bring him home,”referring to former President Digong Duterte na nakakulong sa The Hague, Netherlands, ayun, napag-usapan siya ng wagas.

Ibang klase rin itong si Ms. U Tita Glo natin noh! Ayaw paawat pagdating sa pagiging mataray at outspoken hahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …