Saturday , April 19 2025
Jodi Sta Maria Untold

Jodi Sta. Maria, tampok sa horror film na “Untold”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

YEAR 2018 nang nakatrabaho ni Jodi Sta. Maria si direk Derick Cabrido via the horror movie Clarita. After nito ay nasabi raw ni Jodi na ayaw na niyang gumawa ng horror films dahil napakahirap daw.

Kaya nang dumating ang offer na gawin ang horror movie na Untold under Regal Entertainment, hindi raw agad nag “yes” ang aktres.

Kuwento ni Jodi, “Sabi ko, ‘Sige papakinggan ko’. Then pinitch niya ang Untold, pero hindi pa ako agad nag-yes. Tapos nang binasa kong maigi ang script ay nagustohan ko, kasi kakaiba (siya).

“And iyong working relationship kasi namin ni Direk (Derick) is built on trust, I super trust him as my direktor,” wika pa ng aktres sa mediacon ng Untold na ginanap recently sa Valencia Events Place, Quezon City,

Nabanggit din niya ang preparations sa pelikulang ito.

“Iyong part ng mga preparations ko for Untold, is of course iyong research, na napaka-helpful ng mga insights na ibinigay ni Direk. Kasi, siyempre iyong mundo na ginagalawan ni Vivian Vera, hindi ko siya mundo.

“I also asked for insights from my journalist friends, kung paano ba talaga iyong mundo nila d’yan sa loob.

“Kasi siyempre ano lang ako, e, kumbaga viewer lang ako (as Jodi Sta. Maria) e, nakikita ko lang iyong mga trabaho nila. Pero never kong alam what’s really (kung ano iyong ginagawa nila talaga)…

“So, kailangan ko iyong mga insights nila para lang din makadagdag ng layers doon sa character, para mabuo ko siya,” wika ni Jodi.

Naikuwento ng aktres ang nangyari sa kanila nang nagpunta sa Cebu.

Aniya, “Nakatutuwa, sobrang… It was an amazing experience, ‘no? Kasi, ang tagal ko na bago nakabalik ulit sa Cebu, siguro pre-pandemic pa. And you know, naramdaman ko talaga ‘yung warmth and ‘yung support ng mga kababayan natin from Cebu.

“So nagkaroon kami ng radio tour, mayroon din mall show, nagkaroon ng fan-con, nagkaroon din ng advance screening doon. Puno iyong cinemas, and then nagkaroon din tayo ng advance tickets selling doon.

“So, were just grateful for the support na ini-extend sa atin ng mga Cebuanos. Kaya daghang salamat po sa inyong lahat.”

Nabanggit ng aktres ang balik sa kanya kapag ang manonood ay na-appreciate ang kanilang pelikula.

“Iyong pinakamagandang reward kasi na nakukuha mo is, iyong kung makikita mo ang reaction and when people come up to you and tell you that, ‘Ang ganda ng film, nakakatakot iyong film.’

“So, para sa akin na okay, worth it iyong oras, iyong effort, iyong pagod, iyong panahon na inilaan mo para sa pelikula,” pakli ni Jodi.

Inusisa siya kung ano ang masasabing biggest horror na naranasan in life?

Tugon ni Jodi, “Ako siguro, kasi ang dami, iba’t iba… pero siyempre iyong when my lola passed away, wala ako roon, kasi nasa shooting ako noon. It was in 2012, we were doing Be Careful with My Heart noong time na iyon. Na inaabangan niya, but then one day bigla siyang namatay, so hindi na niya nakita iyon, ever. And my lola was one of my biggest fans.”

Pagpapatuloy ng magaling na aktres, “I guess, isa pa sa horrors ay iyong mga injustices na nakikita natin left and right, in general. And then siguro isa pa sa fear ko, tama si Tita (Gloria Diaz) e, kapag magulang ka, iniisip mo iyong mga bagay na maaaring mangyari sa anak mo.

“So, I think iyon ang iba’t ibang horrors and fears na mayroon ako, as a person.”

Sa pelikula ay gumanap si Jodi bilang isinumpang fake news peddler na si Vivian Vera.

Ang Untold ay mula sa Regal Entertainment, tampok din dito sina Gloria Diaz, Juan Karlos, Joem Bascon, Mylene Dizon, Kaori Oinuma, Sarah Edwards, Lianne Valentin, at iba pa. Ito ay isinulat nina Enrico C. Santos at Noreen Capili with Ms. Roselle Monteverde, at produced by Atty. Keith Monteverde.

Ang pelikula ay Rated 13 without cuts, showing na ito ngayong April 30 sa mga sinehan.

About Nonie Nicasio

Check Also

Camille Prats

Camille Prats buking ang pagkamaldita

RATED Rni Rommel Gonzales PAINIT nang painit ang hapon ng mga Kapuso dahil sa big …

Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi hindi makawala sa kontrabida role

RATED Rni Rommel Gonzales PAGKATAPOS ng highly successful na Abot Kamay Na Pangarap ay may bago na …

Chryzquin Yu

Chryzquin Yu rising star ng Blvck Entertainment

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGGULAT sa kanyang performance ang pambato ng Blvck Entertainment Production Inc., si Chryzquin …

Pilita Corrales Jackie Lou Blanco Ramon Christopher

Pilita walang malubhang sakit: She died in her sleep

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “SHE died in her sleep, hindi siya nahirapan.” Ito ang tinuran ni Jackie …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …