Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willard Cheng

Willard Cheng sasabak sa Agenda ng Bilyonaryo News Channel 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MAKAKASAMA na nina Korina Sanchez-Roxas at Pinky Webb ang batikang mamamahayag na si Willard Cheng sa paghahatid ng pinakabagong balita at masusing pagsusuri ng mga kaganapan sa pandaigdigang antas sa Bilyonaryo News Channel. 

Magiging co-anchor na nga si Willard ng  pangunahing primetime newscast, ang Agenda. 

Mayroong 20 taon ng malawak na karanasan sa pag-uulat si Cheng na kumober sa Malacañang sa ilalim ng tatlong pangulo at nag-ulat sa mga pangunahing political beats, kabilang ang Senado, Kamara, Comelec, Department of Foreign Affairs (DFA) at marami pang iba kabilang ang pag-uulat sa mga pagbisita ng mga pangulo at pandaigdigang summit.

Kilalang-kilala si Willard sa pagbibigay ng mga mahalagang balita at sa kanyang political at research expertise na nagpapadali sa mga komplikadong isyu sa politika at diplomasya para sa mga manonood. Ang komprehensibong live reporting niya sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015 ay nakakuha ng malawak na pagkilala, dahil hindi lamang siya nag-ulat ng mga kaganapan kundi nagbigay din ng mahahalagang pananaw tungkol sa Santo Papa at sa Simbahang Katoliko, na nakaeengganyo sa mga manonood sa mas malalim na emosyonal na antas.

Dalawang beses ding  napili bilang fellow ng prestihiyosong International Visitor Leadership Programng U.S. Department of State si Cheng. Nagtapos si Willard sa Ateneo de Manila University at Saint Jude Catholic School.

Kaya tutukan ang Bilyonaryo News Channel na libreng mapapanood sa BEAM TV 31, cable television sa Sky Cable 33, Cignal Channel 24, Converge 74, at sa digital media sa Cignal Play at sa social media pages @BNC sa Facebook at YouTube.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …